^

Pang Movies

Kim, ipinagdarasal ang Nepal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, ipinagdarasal ang Nepal
Kim

Kabilang si Kim Chiu sa mga nalungkot sa malaking trahedya na nangyari sa Nepal nitong nakaraang Miyerkules, Aug. 26.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinakita ng aktres ang video ng panonood niya ng TV kung saan ay ibinabalita ang kahambal-hambal na sinapit ng bansa.

Sa caption ay ipinahatid ni Kimmy ang kanyang prayers sa mga naapektuhan ng trahedya.

“Praying for the people in Nepal (praying hand emoji),” aniya.

Isang malalang flash flood, landslide, at “debris flow” ang naganap sa Nepal at sa border nito sa Tibet, China noong Miyerkules na nagdulot ng malawakang pinsala, daan-daang patay, at mahigit isang libong nawawala.

Sa pinakahuling ulat ng CNN at mga awtoridad, umabot na sa 469 ang kumpirmadong patay sa Nepal, habang mahigit 1,300 katao pa ang nawawala (kabilang ang mga lokal at dayuhang turista mula sa iba’t ibang bansa).

Naiulat din na may isang Pilipinong turista ang kabilang sa mga nawawala.

Ayon pa sa mga ulat, nawasak ang hindi bababa sa 19 na tulay at humigit-kumulang 40 kilometrong kalsada habang nabura sa mapa at nabaon sa makapal na putik ang ilang bayan.

Matet, humingi ng pasensiya

Nag-sorry si Matet de Leon sa lahat ng commuters at motorista na naabala sa traffic nang maaksidente sila sa EDSA nitong nakaraang Huwebes.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Facebook page ang nangyaring insidente kung saan ay nasagi raw ng isang bus ang likod ng kanilang sasakyan.

“Gusto kong humingi ng pasensiya sa mga taong naabala nang panandalian kanina sa may edsa. Nasagi (?) kami ng bus kanina habang naka hinto sa kanto, sa likod ng jeep,” pahayag ni Matet.

Aminado siyang napikon siya sa driver pero para huwag nang maka-cause pa ng abala at traffic sa mga taong nais nang makauwi mula sa trabaho ay pinalampas na lang daw niya ito.

“Nakakapikon. Pero para maiwasan ang abala sa mga taong pagod na at pauwi na galing trabaho, pinalipas na namin ito,” aniya.

Paalala niya sa tsuper, “Sa’yo naman kuya driver, kung nababasa mo to, ingat na lang sa susunod. Baka next time, maka disgrasya ka na talaga.”

Inamin din ng aktres na nagalit daw siya nang matindi sa driver na normal naman daw sigurong reaksyon lalo pa’t nakasakay din ang kanyang anak sa sasakyan.

“Hindi ako naging mabait sa driver kanina. Pero ang importante, yung mga taong sakay niya at mga mata traffic sa likod eh makauwi na agad. Nagalit ako kuya ng malala. Pero normal lang naman sigurong reaksyon yun lalo na’t kasama namin sa sasakyan ang anak ko. Salamat po,” sey ni Matet.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with