^

Metro

DepEd hihingi ng pondo sa DBM

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd hihingi ng pondo sa DBM
This file photo shows a facade of the Department of Education.
STAR / File

Para sa dagdag guwardiya sa skul

MANILA, Philippines — Hihingi ang Department of Education (DepEd) sa Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang pondo upang makapagdagdag ng mga security guard sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nais ng DepEd na makalikha ng karagdagang plantilla positions para sa security personnel upang matugunan ang kakula­ngan ng mga guwardiya sa mga eskwelahan.

Ipinaliwanag ni Angara na bago pa siya maupo sa puwesto ay nagkaroon ng ­nationalization na nagresulta sa pagtanggal sa karamihan ng mga plantilla para sa security guards. Aniya, humigit-kumulang 200 na lamang ang natitirang plantilla positions para sa mahigit 48,000 pampublikong paaralan sa buong bansa, samantalang may mga paaralang nanga­ngailangan ng higit sa isang guwardiya.

“Siguro kailangan natin ng pondo para sa security guards. ‘Yan ang importante. Number one priority dapat ang safety. Kahit maganda ang itinuturo natin, kung pakiramdam ng mga magulang at estudyante ay hindi sila ligtas sa eskwelahan, mahihirapan din tayo.”ani Angara.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with