^

Bansa

VP Sara trial bukas sa publiko – Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Bukas sa publiko ang gagawing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr. na nagsisilbi rin bilang clerk ng impeachment court.

Sa panayam ng DZMM kay Bantug, sinabi nito na bubuksan ang gusali ng Senado at maglalaan ng ilang upuan para personal na makapanood ng paglilitis.

“Pwede walk-in pero kailangan mag-register sa Visitor Management ng Senado. Yung reservation ay magiging online,” sabi ni Bantug.

Pero agad ding ni­linaw ni Bantug na limitado ang kapasidad ng upuan sa main plenary hall ng Senado, na may 340 lamang sa gallery at 30 sa VIP box.

Inaasahan naman na mapapanood din sa iba’t ibang TV at online streaming platforms ang paglilitis.

Ayon pa kay Bantug, na ang mga upuan para sa prosekusyon, depensa, at kawani ng Senado ay ilalaan sa publiko.

“One-third sa inimbitahan ng prosekusyon, one-third sa depensa, one-third sa pangkalahatang publiko,” sabi ni Bantug.

Sinabi rin ni Bantug na tuluy-tuloy ang kanilang paghahanda para sa pagsisimula ng paglilitis sa Hulyo 6.

Yung aming preparasyon itong bukas at Martes kailangan mag-ikot at matingnan at ma-check yung mga rooms na gagamitin, audio sa session hall. More on the physical logistics na tayo,” ani Bantug.

DZMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with