^

PM Sports

Alex-Venus pair

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi maliit na bagay ang pribilehiyong naibigay kay Alex Eala na maka-partner si Venus Williams.

Triumphant sila sa kanilang opening match sa Bad Homburg Open, nagbulsa ng 6-3, 6-4 win kontra A­lexandra Osborne and Catherine Harrison.

 Syempre hindi sigurado kung hanggang saan makakarating ang kanilang partnership.

 Pero ang bagay lang na maka-tandem ni Eala ang isang all-time great ay maituturing ng malaking panalo para sa Pinay rising tennis star.

 Ikonsidera na lang ang mga bagay na pwedeng ma-absorb ni Alex mula kay Venus.

Kumikinang si Venus bilang tennis royalty – buhay na monumento ng modern tennis.

Dapat samantalahin ni Alex ang lahat ng makukuha sa American legend na malamang na hindi naman magdadamot sa bagay na pwede niyang itulong.

Klasiko ang kanilang partnership. Alamat si Venus, 46, na kumakatawan sa isang iconic era ng power, grace at tennis cultural revolution. Eto naman si Alex na 21 years old at isa ngayon sa pangunahing vanguard ng isang gutom at sumisikat na henerasyon.

Dampener ang kanyang talo sa singles opening match kontra Elise Martens. Pero agad naman ang balik ng sigla sa panalo nila ni Venus.

At kung saan man sila makarating, siguradong magandang springboard ang kanilang experience tungo sa historic debut ni Eala sa Wimbledon, kung saan siya ang magiging kauna-unahang Pilipino na makakakuha ng singles seeding sa isang Grand Slam tournament.

Hataw Alex!!!!

ALEX EALA

VENUS WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with