Armored van vs modern jeep, 15 sugatan

MANILA, Philippines — Nasa 15 katao ang sugatan nang banggain ng armored van ang isang modern jeep at tumagilid kahapon ng umaga sa Quezon City.
Sinasabing “beating the red light” ang driver ng armored van kaya sinalpok ang modern jeep sa intersection ng Miriam Defensor Santiago Ave. at Quezon Ave. sa Brgy. Pinyahan, Quezon City bandang alas-5 ng umaga.
Isa naman sa mga sakay ang kinailangang i-rescue ng mga responder matapos itong maipit sa loob ng sasakyan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.
- Latest

















