25 testigo ihaharap vs VP Sara

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa 25 testigo ang ihaharap ng House prosecution panel laban kay Vice Pres. Sara Duterte sa nalalapit na impeachment trial sa Senado.
Ayon kay lead prosecutor Rep. Gerville Luistro, maaaring tumagal ng tatlong buwan ang paglilitis. Gayunman, tumanggi muna siyang tukuyin ang mga pangalan ng mga testigo.
Paliwanag ni Luistro, bawat testigo ay daraan sa direct examination ng prosecution bago isailalim sa cross-examination ng defense panel. Inaasahang magsisimula ang trial sa Hulyo 6.
Sa kabila nito, aminado si Luistro na wala pang impormasyon ang prosecution panel kung ilan ang ihaharap na testigo ng depensa para ipagtanggol si VP Sara. Ang mga ito ay sasailalim sa cross-exam ng 11 miyembro ng House prosecution team.
- Latest





















