^

Metro

13-anyos pisak 10-wheeler truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang binatilyo ang patay nang magulungan ng isang 10-wheeler truck habang naglalaro sa Tondo, Manila kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Boy”,13, residente ng naturang lugar, bunsod ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan habang nasa kostudiya na ng Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit, ang ‘di pa pinangalanang driver at pahinante ng truck para sa kaukulang imbestigasyon.

Batay sa inisyal na ulat, pasado alas-3:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Mel Lopez Boulevard, sa Tondo.

Nauna rito, pumarada umano ang naturang truck sa gilid ng kalsada dahil sa dinanas nitong aberya. Gayunman, nang aalis na ang truck ay hindi napansin ng driver nito ang biktima na naglalaro pala sa gilid ng truck.

Dahil dito, nabangga nito ang biktima at tuluyang nagulungan nang pumailalim sa truck, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

10-WHEELER TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with