3 drug suspects, tiklo sa Maynila
MANILA, Philippines — Tatlong drug suspects ang inaresto ng mga awtoridad nang maaktuhang nagsasagawa ng illegal drug activities sa Quiapo, Manila, kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-3:25 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) laban sa mga suspek sa Quezon Boulevard, kanto ng Gonzalo Puyat St. sa Quiapo at nagresulta pagkakahuli kina alyas “Che”,42; “Honey”,35 at alyas “Al”, 48, vendor, pawang mga Street Level Individual (SLI) at residente ng Quiapo, Manila.
Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupong may drug activity sa naturang lugar.
Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 30 gramo, at may halagang P204,400.
Nakapiit na ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest



















