Unified 911 system, 94.42% efficient - DILG
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 94.42% efficiency rate ang Unified 911 system matapos itong mailunsad noong Setyembre 11.
Ayon sa DILG, sa unang araw ng operasyon, nakatanggap ang Emergency 911 National Call Center ng 60,323 tawag kung saan 57,786 ang matagumpay na naasikaso. Nananatiling nasa average na 61,000 calls per day ang natatanggap ng call center.
Samantala, 3,537 naman ang natukoy bilang test, abandoned, o prank calls. Nagbabala si DILG Sec. Jonvic Remulla laban sa prank callers.
Aniya, ang mga prank calls ay awtomatikong maa-archive at magiging last priority sa mga susunod na pagkakataon. Apela niya sa publiko, gamitin nang tama ang 911 para hindi masayang ang oras at mapagtuunan ang mga totoong emergency.
- Latest


















