262 naaresto sa 1-day anti-crime operations sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Umabot sa 262 indibidwal ang naaresto sa pinaigting na operasyon sa loob lamang ng isang araw sa Metro Manila, sa ilalim ng Seven-Point Agenda ni Philippine National Police Acting Chief PLt. General Jose Melencio Nartatez Jr.
Sa 262, 46 ang arestado sa iligal na droga, 72 sa illegal gambling, 73 ang wanted persons kabilang ang 20 top 10 Most Wanted Persons, 8 Most Wanted Persons, 45 Other Wanted Persons.
Dagdag pa rito ang 9 na suspek sa loose firearms operations, pagpapatupad ng search warrant at iba pang law enforcement activities, habang ang 62 ay dinakip naman sa mga pagresponde at iba pang paglabag.
Ang Manila Police District (MPD) ang pinakamataas na bilang na 65, sinundan ng Northern Police District (NPD) na may 52, Quezon City Police District (QCPD) na may 51, Southern Police District (SPD) na may 48, at Eastern Police District (EPD) na may 46.
Binigyang-diin ni PMGen. Aberin na ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang estadistika kundi patunay ng walang humpay na pagsisikap ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na panatilihing ligtas ang Metro Manila.
- Latest

















