Remulla, handa sa lie detector test sa P8 bilyong gun deal

MANILA, Philippines — Handa si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na sumalang sa lie detector test at imbestigasyon kaugnay ng P8-billion gun purchase proposal na una nang tinanggihan ni dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III.
“If I’m called by Congress and Senate para ibigay lahat ng detalye, gagawin ko,” pahayag ni Remulla.
Ginawa ni Remulla ang pahayag sa gitna ng alegasyon na kaya sinibak sa puwesto si Torre dahil sa hindi pag-apruba sa gun deal.
Inamin ni Remulla na natanggap niya ang proposal noong nakaraang buwan pero hindi na tinukoy kung kanino galing.
“Sumulat ako kay General Torre at sabi ko sa kanya, siya ang competent na mag-judge kung ano quality ng product, kung kailangan ng product at kung pipirma siya kung I-o-order,” pahayag ni Remulla.
Ayon kay Remulla, ibinasura ni Torre ang proposal na kanya ring sinang-ayunan.
- Latest























