^

Metro

‘Shame Campaign’ ipatutupad ng DOTr

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Abusadong motorista

MANILA, Philippines — Tila nauubusan na ng pasensiya si Transportation Secretary Vince Dizon sa paulit-ulit na paglabag ng ilang motorista sa batas trapiko, kaya ipatutupad na ang “shame campaign” at para sa kaligtasan ng mga publiko.

Ayon kay Dizon, plano nilang simulan ang pagsasapubliko ng mga pa­ngalan ng mga traffic violators. “We have a plan to publish a list every week. We will probably call it the ‘Do Not Imitate’ or ‘Do Not Follow’ list,” saad pa ng DOTr chief.

Paliwanag ni Dizon, kanilang ise-shame campaign ang mga moto­rista na tulad ng isang abogada na nanagasa ng traffic enforcer sa Kawit, Cavite at pag-counterflow ng isang motorista sa Skyway.

Iginiit niya na ang pagkakaroon ng lisensya ay hindi karapatan kung di pribilehiyo, at importante na matuto ang bawat motorista. Dapat ipakita sa mga tao ang maling ginagawa ng mga pasaway upang hindi tularan at binigyang-diin ang kahalagahan ng isyu ng kaligtasan sa kalye.

Nilinaw ng transport chief na ang “shame campaign” ay nakalaan para sa mga “grave violators” kaya masusi nang pinag-aaralan ng mga abogado ng DOTr ang mga legal na limitasyon sa panukalang “shame campaign”.

Hindi naman aniya, malalabag ng shame campaign ang data privacy dahil hindi naman idedetalye ang personal information, dahil layunin lamang na magbigay ito ng mensahe na kapag mali at grabe ang ginawa ay maipakita sa bayan.

Sa oras na ma-clear na sa ginagawang pag-aaral ng law department ng DOTr ang panukala, hindi aniya, magdadalawang-isip ang ahensya na ipatupad na ito.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with