^

Metro

Lola sugatan sa hit-and-run

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 74-anyos na lola nang ma-hit-and-run ng isang SUV habang tumatawid sa pedestrian lane sa A. Bonifacio Avenue sa Marikina, Sabado ng madaling araw. 

Nagtamo ng hiwa sa noo at mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Dolores De Gala.

Patawid ang biktima sa pedestrian lane nang may biglang dumaan na sasakyan at napaatras siya subalit nasalpok pa rin na ikinatilapon niya. 

Tinulungan siya ng isang rider at iba pang nakasaksi bago nakatawag ng tulong sa kanyang kapatid, Rumes­ponde rin ang nakasasakop na rescue team ng Barangay Tañong.

Ayon sa ulat, sinabi ni Chairman Danny Del Castillo ng Brgy.Tañong na naabutan pang nakahiga sa kalsada ang matanda na dumudugo ang ulo.

Ang rider na humabol sa nakabanggang SUV ang nagbigay sa barangay ng plate number at ebidensiyang may nabakbak sa bahagi ng sasakyan. Ang sasak­yang tumakas ay nakita ng apo ng biktima na na-post at ibinebenta online bago pa naganap ang insidente.

Inaasahang mabilis na matutunton ng Marikina Police ang driver na suspek sa insidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with