^

Metro

42 DPWH projects sa Las Piñas walang permit-LGU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Las Piñas City Engineering Office kahapon na may kabuuang 42 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang itinayo nang walang kaukulang permit.

Sinabi ni Acting City Engineer Michael Aguilar na ang Las Piñas–Muntinlupa District Engineering Office, na noo’y pinamumunuan ni District Engineer Isabelo Baleros, ay nabigong kumuha ng building permit mula sa LGU nang simulan ang mga proyekto ngayong taon.

Ayon sa memorandum na inilabas ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, si Baleros ay inilipat sa DPWH Metro Manila 3rd District Engineering Office sa ilalim ng NCR Region at pinalitan ni Engineer Ruel Umali.

“As of today, nagsagawa na ng inspeksyon ang aming mga tauhan sa lahat ng 42 proyekto ng DPWH. Sa masusing pagsusuri ng aming rekord, napatunayang wala kahit isa sa mga nasabing proyekto ang may building permit na nakapailalim sa file,” ani Aguilar  na tugon sa sulat ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos.

Inutusan na ng City Engineering Office ang mga kontratista at ahensya ng gobyerno na kumuha ng kinakailangang building, electrical, at plumbing permits, gayundin ng zoning clearance at barangay clearance.

Nagbabala naman si  Santos na malaki ang panganib na dulot ng mga proyektong walang permit. Aniya, sagutin ng may-ari ng lupa ang maapektuhang ari-arian habang ang mga architect at engineer na lumagda sa plano ay maaaring masuspinde ng Professional Regulatory Commission sa ilalim ng RA 9266 at RA 544.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with