^

Metro

DPWH–Las Piñas district engineer, sinibak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa mga alegasyon na sangkot ang ilang opisyal at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa korapsyon at iregularidad, agad na pinalitan ang hepe ng Las Piñas–Muntinlupa District Engineering Office (LPM DEO).

Agad na inilipat sa DPWH Metro Manila 3rd District Engineering Office sa ilalim ng NCR Region si LPM DEO chief  Engr. Isabelo Baleros, at pinalitan ni Engineer Ruel Umali, alinsunod sa memorandum na inilabas ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Ang hakbang na ito ay isinagawa makalipas lamang ang dalawang linggo matapos pormal na hilingin ni Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos kay Bonoan na tanggalin si Baleros dahil umano sa mga kuwestiyonableng transaksiyon, kabilang na ang kontrobersyal na paglilipat ng pondo para sa flood control.

Ibinunyag ni Santos na humiling si Baleros na mailipat ang pondo para sa ilang proyekto ng Las Piñas mula sa kanyang district office papunta sa regional office ng DPWH sa NCR—nang hindi kinokonsulta ang Tanggapan ng Alkalde, ang Opisina ng Kinatawan ng Kongreso, ang City Engineering Office, o ang Sangguniang Panlungsod.

Sentro ng kontrobersiya ang ?140-milyong C5 Diversion Road project sa Barangay Manuyo Dos—ang pinakamala­king alokasyon mula sa kabuuang ?450.5-mil­yong pondo para sa imprastraktura ng Las Piñas ngayong taon.

Batay sa mga dokumento, noong Hunyo 9, 2025, nagsumite si Baleros ng liham kay DPWH–NCR Assistant Regional Director Montrexis Tamayo na humihi­ling na ang pagpapatupad ng proyekto ay ilipat sa regional office.

Tahimik na inaprubahan ang kahilingan ng DPWH Assistant Secretary for Regional Operations Loreta Malaluan at kinumpirma ni Bonoan noong Hulyo 15, 2025.

Binigyang-diin ni ­Bonoan na pananagutin ang mga opisyal at kawani ng DPWH na mapapatunayang responsable sa mga substandard o “ghost” flood control projects, at tiniyak na kakasuhan sila ng nararapat na kasong kriminal.

LPM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with