Sewer services, pinalakas ng Manila water
MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng Manila Water ang commitment nito sa environmental sustainability at public health sa pamamagitan ng pinakagandang sewerage coverage at intensified sanitation services sa East Zone.
Ayon sa Manila Water, nitong Hunyo 2025, nakapagbigay na ang kumpanya ng sewer services sa 311,663 connections, na binubuo ng 52,383 sa magkakahiwalay na sistema 247,756 sa ilalim ng pinagsamang pamamaraan 11,165 under hybrid systems, at 359 koneksiyon sa mga pribadong sewage treatment plants (STPs). Katumbas ito ng 4.67% kada taong pagtaas o 13,895 karagdagang koneksiyon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nitong Hunyo 2025 lamang, nagdagdag ang kumpanya ng 550 na bagong sewer accounts para suportahan ang sewer coverage targets, bibilisan ng Manila Water ang infrastructure projects sa Mandaluyong, Marikina, Taguig, Quezon City, at Antipolo.
Kasama na rito ang pagkumpleto sa Aglipay Sewage Treatment Plant (STP) at network, Hinulugang Taktak STP, Marikina North–Batasan diversion project, at critical segments ng Taguig North Network at Quezon City East Network.
- Latest























