^

Metro

Adjusted allowance ng mga pulis aprub sa NAPOLCOM

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan ang  panibagong adjustments sa allowances sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) na layong matiyak na sapat ang kanilang natatanggap na suporta  sa kanilang serbisyo.

Sa naging NAPOL­COM en banc memorandum circular no. 2025-004, sakop ng panibagong adjustment sa allowances ang pagbibigay ng subsistence, quarters, clothing, ha­zard pay, combat duty, incentive pay at iba pang mga operational na mga benepisyaryo.

Samantala, pinaalala naman ng NAPOLCOM na ang implementasyon ng bagong allowance system ay depende pa rin sa availability ng pondo at batay na rin sa magiging desisyon ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon pa kay Cali­nisan, makatutulong ito na mapalakas pa ang moralidad ng mga pulis dahil maliban sa kanilang sakripisyo bilang tagapagpatupad ng batas ay ito rin ay para sa pagpapatibay pa ng kanilang loob at husay sa paglilingkod sa bayan.

Giit ni Calinisan, hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga pulis upang tiyakin ang peace and order sa bansa.

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with