^

Metro

Isko, pinadlock construction project ng kongresista

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Walang demolition, building permit

MANILA, Philippines — Ipinasara ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang construction site na umano’y pagtata­yuan ng proyekto ni 3rd District Congressman Joel Chua matapos na madiskubreng walang demolition at building permit mula sa city hall.

Hindi naikubli ni Domagoso ang kanyang galit nang madiskubre sa kanyang pag-iinspeksiyon na giniba ang day care gayundin ang covered court na nasa pangangalaga ng Public Recreations Bureau na matatagpuan Alvarez St. corner Rizal Ave. sa Sta. Cruz, Maynila. Ang nasabing covered court ay nagsisilbing satellite office ng Manila  City Hall kung saan may opisina ang  Senior Citizen Affairs Office.

“Paanong nangyari na nagiba nila ang property ng walang permit?”, ani Domagoso.

Bukod sa pagpapasara sa construction site, ipinaaresto rin ni Domagoso ang nagtatrabaho sa construction site gayundin ang pagkumpiska sa mga heavy equipment na ginagamit.

Kasabay nito, hinamon din ng alkalde si Chua na imbestigahan ang kanyang sarili hinggil sa iligal na proyekto.

“Lawyer yan, baka kaya niyang sagutin ang tanong kung pede magdemolish ng walang demolition permit”, dagdag pa ni Domagoso.

Ani Domagoso, tila hindi pa nadala si Chua kuwestiyonable at gini­bang barangay hall na ipinatayo nito sa harap mismo ng Arellano High School.

Dagdag pa ni Domagoso, may gobyerno sa lungsod ng Maynila at tinatawag itong “City Go­vernment of Manila, not City Congress of Manila”.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with