^

Metro

1 pang DPWH project sa QC pinatitigil ng LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatitigil na rin ng Quezon City local government ang isa pang flood control project ng DPWH-NCR sa Mariblo Creek, Quezon City.

Ayon sa QC LGU, naglabas na ito ng Letter of Objection laban sa Mariblo Pumping Station na planong itayo mismo sa creek.

Binigyang-diin ng QC LGU, na labag sa Water Code of the Philippines ang pagtatayo ng istasyon mismo sa creek dahil ito ay nasa non-buildable area. 

Bukod dito, ang ­disenyo ng proyekto ay magpapaliit ng daluyan ng tubig at posibleng magdulot ng mas matinding pagbaha sa mga upstream barangay.

Dagdag pa ng LGU, kahit hindi inaprubahan ang aplikasyon ng proyekto para sa Certificate of Coordination, ipinagpapatuloy pa rin ng DPWH ang mobilization ng konstruksyon.

Matatandaang kaparehong proyekto rin ang pinatigil ng LGU sa Matalahib Creek matapos makapagdulot ng mas matinding pagbaha sa mga barangay Talayan, Sto. Domingo, Masambong, at iba pang kalapit na lugar.

SInabi ni QC Mayor Joy Belmonte na lahat ng flood control projects ay dapat nakaayon sa Drainage Master Plan upang matiyak ang epektibong solusyon at proteks­yon laban sa pagbaha para sa mga residente.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with