^

Metro

PNP, DepEd titiyaking safe space mga iskul

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP, DepEd titiyaking safe space mga iskul
Ito’y kasunod ng pakikipagpulong ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III kay Education Secretary Sonny Angara kamakailan.
Philippine National Police Facebook page

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) na titiyakin nila  na safe space ang mga paaralan mula sa anumang  uri ng karahasan.

Ito’y kasunod ng pakikipagpulong ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III kay Education Secretary Sonny Angara kamakailan.

Nabatid na hiniling ni Angara kay Torre na mas paigtingin pa ang police visibility sa paligid ng mga paaralan gayundin ang pagpapalakas ng mga barangay bilang first responders sa anumang insidente.

Matatandaang inatasan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang DepEd at PNP na laging tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante, guro, at school personnel.

Ikinabahala ng DepEd ang sunud-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan, gaya ng pamamaril sa isang estudyante sa Sta. Rosa sa Nueva Ecija gayundin ang pagpaslang naman sa isang guro sa Lanao del Sur.

Binigyan-diin naman ni Torre na bagama’t iginagalang nila ang pahayag ng National Parent-Teacher’s Association na walang pulis  ang dapat sa paligid ng mga eskuwelahan, responsibilidad nila ang  seguridad ng  estudyante, guro at mismo ng  paaralan laban sa anumang mga krimen.

Ani Torre, malaking tulong pa rin ang presensiya ng mga pulis sa mga paaralan at ilang mga vital installations.

Bukod pa dito ang mga pulis na nagsasagawa ng kanilang pagpapatrolya sa kani-kanilang mga area of responsibilities (AOR).

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with