^

Metro

2 Chinese dinakip sa pekeng exit clearance

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese dinakip sa pekeng exit clearance
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga dayuhang sina Li Jiangcheng, 29 at Liao Weibin, 39, matapos na tangkaing sumakay ng flight patungong Singapore.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang lalaking Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, dahil sa pagpapakita ng mga pekeng exit clearance.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga dayuhang sina Li Jiangcheng, 29 at Liao Weibin, 39, matapos na tangkaing sumakay ng flight patungong Singapore.
Ibinahagi ng mga opisyal ng BI’s immig­ration protection and border enforcement section (I-PROBES) na ang dalawa ay nahuli sa redundancy records verification ng mga papaalis na pasahero.
“Nalaman ng mga opis­yal na ang parehong mga clearance ay peke,” sabi ni Viado. 

Bukod dito, sina Li at Liao ay overstaying na mga dayuhan, at pinalsipika ang kanilang mga clearance upang maiwasang ma-detect.

Pinuri ni Viado ang mga opisyal sa kanilang pagbabantay sa pagsugpo sa mga nagpapalsipika ng mga dokumento ng imigrasyon.
Ayon sa datos, si Li ay nag-overstaying mula noong 2022 pagkatapos magtrabaho sa isang kumpanya sa bansa. Samantala, dating nagtatrabaho si Liao sa isang trading corporation, ngunit nabigong i-update ang kanyang visa mula noong 2023.
Sinabi ni Viado na iniimbestigahan nila ang mga indibidwal na maaaring tumulong sa pagkuha ng mga pekeng dokumento ng nasabing mga dayuhan.
Parehong ibinalik sina Li at Liao sa border control at intelligence unit ng BI, at nahaharap sa mga kasong deportasyon dahil sa paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas. 

NAIA

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with