2 PNP general palit-puwesto

MANILA, Philippines — Palit-puwesto ang dalawang heneral sa biglaang rigodon sa Philippine National Police (PNP) na ipinatupad kahapon, Agosto 6.
Itinalaga bilang Deputy Chief for Administration si PLtGen. Bernard Mollanida Banac kapalit ni PLtGen. Jose Melecio Nartatez na commander naman ng Area Police Command, Western Mindanao.
Ang DCA ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP. Si Banac ay isang beteranong opisyal na nagsilbing tagapagsalita ng PNP noong panahon ni dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, at kalaunan ay naging Director for Plans, Director ng PNP Training Service, at Director ng Police Regional Office 8.
Kilala si Banac sa loob ng organisasyon bilang propesyonal, may malawak na karanasan, at hindi nasasangkot sa pamumulitika—kaya’t tanggap ng marami ang kanyang pagtaas sa puwesto.
Nag-ugat umano ang rigodon sa mga kumalat na tsismis mula sa kampo ni Nartatez na siya na ang papalit kay Gen. Nicolas Torre III pagsapit ng Marso 2026.
Bagama’t kilalang istrikto si Nartatez, wala naman umano itong matibay na track record bukod sa pagiging direktor ng Region 4-A, NCRPO, at Deputy Chief.
- Latest


















