FL Liza Marcos, sinaksihan oath-taking ng Las Piñas City officials
MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Las Piñas City, sa ginanap na oath-taking ceremony sa Las Piñas City Hall nitong Biyernes, Hunyo 27.
Mismong ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos na nagsilbing espesyal na panauhin ang sumaksi sa panunumpa nina City Mayor April Aguilar; Vice-Mayor Imelda T. Aguilar; at Congressman Mark Anthony Santos ng lone district ng Las Piñas kay Judge Mildred Jacinto Marquez, First Vice Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 2-FC Las Piñas City.
Kasama rin sa mga nanumpa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 1 at District 2 kabilang ang nangunang Konsehal ng Las Piñas City na si Councilor Alelee Aguilar Andanar.
Inihayag ni Mayor Aguilar ang taus-pusong pasasalamat sa tiwala ng Las Piñ?eros at nangakong magseserbisyo ng transparent at may malasakit.
“This new chapter is not only about continuing what we’ve started. It is about strengthening our foundation and pushing even further toward a city that provides quality health care, accessible and free education, livelihood and employment programs, safe communities, and lasting opportunities for every Las Piñero,” pahayag ni Mayor Aguilar.
Bilang suporta sa patuloy na progreso ng lungsod, tinurn-over ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isang Patient Transport Vehicle (PTV) at ang pitong Starlink kits na ipamamahagi sa mga pampublikong eskuwelahan upang mapagbuti ang parehong emergency response at internet connectivity.
- Latest

















