Presyo ng petrolyo, sisirit ulit sa Martes
MANILA, Philippines — May delubyo na naman na mararanasan ang mga motorista sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa magpapatupad na naman ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa Martes makaraan magkaroon ng oil price rollback ngayong linggo.
Ayon sa oil players tataas ang presyo ng gasolina ng 60 sentimos hanggang 85 sentimos kada litro, aabutin naman ng P1.45 hanggang P1.70 kada litro ang itataas na presyo ng diesel habang ang kerosene ay tataas ng mula P1.85 hanggang P1.90 kada litro, batay sa apat na araw na bentahan ng petrolyo sa merkado.
Base sa mga nagdaang iskedyul, tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment ng mga kumpanya ng langis.
- Latest























