^

Metro

Ex-bf timbog sa ‘sextortion’ sa guro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ex-bf timbog sa �sextortion� sa guro
Ayon kay PCpt. Angelo Babagay, team leader ng Camarines Norte Regional Anti-Cybercrime Unit, napilitang lumuwas sa Metro Manila ang biktima  upang  ipakulong ang kanyang dating kasintahan na nanakot na ikakalat ang kanyang maseselang larawan at video kung hindi magbibigay ng pera.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado sa bus terminal sa Quezon City ang isang lalaki matapos na ireklamo ng pananakot at pangi­ngikil sa isang guro sa Camarines Sur. 

Ayon kay PCpt. Angelo Babagay, team leader ng Camarines Norte Regional Anti-Cybercrime Unit, napilitang lumuwas sa Metro Manila ang biktima  upang  ipakulong ang kanyang dating kasintahan na nanakot na ikakalat ang kanyang maseselang larawan at video kung hindi magbibigay ng pera.

Nasakote ng mga awtoridad ang 29-anyos na suspek sa isang bus station sa Quezon City kung saan napagkasunduan na susunduin ang biktima.

Sinabi ni Babagay, na matagal na nilang inaabangan ang suspek subalit hindi ito umuwi kaya nagdemand ito sa biktima na magkita sila sa Maynila at maibigay ang pera.

Nagtatrabaho sa Maynila ang suspek at nagkasundo sila ng biktima na mag-uusap at magsasama uli sa Maynila.

Ngunit pagdating sa bus station sa QC, agad na dinamba ng mga pulis ang suspek

Patung-patong na reklamo ang kinakaharap ng suspek kabilang ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2022, Cybercrime Prevention Act of 2012, Grave Coercion, at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Nagpaalala ang pulisya sa mga may karelasyon na iwasan na magpakuha ng video o larawan upang hindi malagay sa mga sitwasyong tulad nito.

Payo pa ni Babagay sa mga may karelasyon na may masamang intensiyon, huwag gamiting­ panakot ang mga maseselang larawan ng  karelasyon dahil ito ay labag sa cybercrime law, may kaukulang parusa at kulong.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with