^

Metro

‘Miss Manila 2024’, bukas na – Mayor Lacuna

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas nang muli ang search for Miss Manila ngayong taon o Miss Manila 2024.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kuwalipikadong residente na lumahok sa naturang patimpalak.

Ayon kay Lacuna, ang aktibidad ay pangangasiwaan ng Department of Tourism, Culture and the Arts (DTCAM) sa ilalim ng pamumuno ng direktor nito na si Charlie Dungo.

Ang naturang pageant aniya ay proyekto ng city government, na naghahanap ng isang Manilenya na kakatawan sa ‘values of empowerment’ at leadership upang maghatid ng mahalagang kontribusyon sa kanyang mga kapwa Manilenyo.

Matatandaang matapos na i-relaunch noong nakaraang taon, sinabi ni Lacuna na ang Miss Manila ay dapat na isang ‘woman of worth’, tapat sa kanyang sarili at kayang mahalin ang kanyang sarili bago mahalin ang iba.

Dapat din aniyang taglay nito ang tunay na katangian ng isang Manilenya at maging isang strong advocate ng mga karapatan ng mga kakabaihan, isang tunay na lider, ‘nurturer’ at change maker.

Samantala, sinabi ni Dungo na ang mga maaaring lumahok sa patimpalak ng kagandahan ay dapat na residente ng Maynila, na nagkaka-edad ng 18 hanggang 30-anyos, dalaga, may good moral character, maaaring estudyante o nagtatrabaho na.

Ang mga interesado aniyang lumahok sa patimpalak ay maaa­ring mag-aplay sa pamamagitan ng http://www.missmanila.ph.

vuukle comment

MISS MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with