^

Metro

X account ng Coast Guard, na-hack

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na inatake ng mga hackers ang kanilang X (dating Twitter) account na agad rin namang nabawi kahapon.

“The PCG urges the general public to be cautious in receiving suceeding tweets from the said compromised account,” pahayag ng PCG.

Agad na nakipag-ugnayan ang CGPAS (Coast Guard Public Affairs Service) sa X Support Team na mabilis na umaksyon sa kanilang ulat.

Alas-11:30 ng umaga kahapon nang ihayag ng PCG na nabawi na nila ang kanilang account sa tulong ng X Support Team.

Dahil dito, pinalakas na umano ng PCG ang kanilang security measures para mas maproteksyunan ang kanilang mga social media accounts laban sa mga naturang “security breaches”.

Nitong umpisa ng Pebrero, inihayag ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) na nakapasok sa mga email systems at internal websites ng ilang ahensya ng gobyerno ang mga hackers na mula sa China.

vuukle comment

HACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with