41 motorcycle na impound sa ‘No Registration, No Travel’ policy

Members of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), and Highway Patrol Group begin their crackdown on EDSA bus lane violators in Cubao, Quezon City on November 13, 2023.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot sa 41 motorcycle riders ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) simula nang ipatupad ang “No Registration, No Travel” policy ng ahensiya nitong Lunes, Nob 20.Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, ang lahat ng nahuli ay mula sa Metro Manila na may pinaka-maraming bilang ng  delinquent motor vehicles na nakatala sa  LTO.

“Napakaraming motorsiklo ang hindi rehistrado at batay sa ating record, marami sa mga ito ay hindi nakarehistro ng isa hanggang limang taon. Hindi natin papayagan ito at makakaasa ang ating mga kababayan na gagawa tayo ng mga aksyon upang mapilitan ang mga may-ari nito na magparehistro,” sabi ni Mendoza.

Bahagi ng pinatinding operasyon ang kautusan ni Mendoza sa lahat ng LTO Regional Directors na makipag-ugnayan sa Police Regional Offices ng  Philippine National Police at  traffic enforcement units ng mga LGUs laban sa mga  unregistered motorcycles.

Sa ngayon ay may 24.7 million delinquent vehicles na karamihan ng may-ari nito ay hindi ipinarerehistro ng kanilang sasakyan.

‘Yang mga elemento ng LTO-Law Enforcement Section (LES) ay partikukar na nakakalat sa Metro Manila sa mga lugar na kadalasang dinaraanan ng mga motorsiklo partikular sa  Katipunan Avenue at sa kahabaan ng Aurora Boulevard.

Show comments