Moroccan kalaboso sa ‘Bawal Bastos Law’

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Moroccan national nang ibandera  ang maselang bahagi ng kaniyang katawan sa isang food chain, sa Makati City, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Makati City Police Station, kinilala ang nmadakip sa alyas Marouan, 48, dahil sa paglabag sa Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) o ang batas na sumasaklaw sa gender-based sexual harassment (GBSH) sa pampublikong lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-9:00 sa loob ng isang food chain sa Jupiter St, corner Makati Avenue, Bel Air, Makati City.

Nag-ugat ito sa reklamo ng 26-anyos na si alyas Emma, isang data analyst, nang sadyang buksan umano ng suspek ang pintuan ng comfort room at magpakita ng kahalayan habang nagsasalita ng lengguwahe ng Morocco.

Dahil sa insidente, inaresto ng security guard ng nasabing tindahan ang banyaga at dinala sa Makati City Police Station.

Show comments