Public transpo, ‘di naparalisa ng tigil-pasada - MMDA

Passengers endure a long queue along Commonwealth Avenue in Quezon City during the first day of Piston's transport strike on November 20, 2023.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kung sa pamunuan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) tagumpay ang isinagawang tigil-pasada, bigo naman ang turing dito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na 66 lamang sa 686 behikulo na inihanda ng pamahalaan upang magbigay ng libreng sakay sa stranded passengers, ang kanilang nai-deploy.

Sa kabila nito, tiniyak ni Artes na patuloy nilang imu-monitor ang sitwasyon ng tigil-pasada hanggang sa matapos ito.

Muli rin niyang tiniyak na handa sila sakaling magpasya ang PISTON na ituloy pa rin ang kanilang tigil pasada.

Samantala, nabatid na nagtungo sa MMDA si Vice President Sara Duterte at nakilahok sa ginagawa nitong monitoring sa tigil-pasada.

Pinuri rin nito  ang kahandaan ng ahensiya sa kanilang transport strike response.

Show comments