UP police tugis sa panunutok ng baril

Members of the Quezon City Police District conduct civil disturbance maneuvers at Camp Karingal Headquarters in Quezon City on Friday, as part of their continuous preparation for the State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand Marcos Jr. on July 24, 2023.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ngayon ng Quezon City Police District- Criminal investigation and Detection Unit (QCPD) ang isang University of the Philippines (UP) police na nanutok  ng baril sa kanyang hepe at kasamahan, kamakalawa ng madaling araw sa Quezon City.

Inireklamo ng grave threats nina Kit Buenaventura, 50, UP Director of Public Safety and Security Office at Raymundo Cabauatan, UP police ang suspek na si Jonathan Bantugan, 40.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente nitong Nobyembre 18, sa loob ng UP Police Station, Barangay UP Campus, Diliman, Quezon City dakong alas- 3:30 ng madaling araw.

Nabatid na dumating sa lugar sina Buenaventura at Cabauatan mula sa pagpapatrolya sa UP campus at sakay ng patrol car nang lumitaw si Bantugan na lasing at bigla silang tinutukan ng M16 rifle. Naawat naman ng ibang kasamahan si Bantugan sa ginagawa nito.

Mabilis na umanong nagtago ang suspect makaraang ireklamo ito ng mga biktima.

Show comments