^

Metro

Wanted sa droga, nalambat sa Navotas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang mangingisda na wanted sa illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court Branch 287, para sa paglabag sa Section 12, Art. II, RA 9165 (2 Counts),kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Anecto Flores, Jr., 48 ng Balara St., Brgy. 126, Vitas Tondo, Manila.

Nabatid na nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa lungsod.

Kasama ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:00 ng gabi sa kahabaan Marala Bridge, H. Lopez St., Brgy. San Rafael Village.

Nakakulong na ang akusado sa costudial faci­lity ng Navotas Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

vuukle comment

REHAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with