^

Metro

Roxas Boulevard sarado sa Independence Day

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara ang kahabaan ng Roxas Boulevard upang bigyang-daan ang mga aktibidad para sa paggunita sa ika-125 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12.

Ipapatupad ang pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng Roxas Blvd. mula TM Kalaw hanggang P. Burgos, sa magkabilang linya mula alas- 5 ng umaga hanggang alas- 10:00 ng umaga para sa flag raising ceremony.

Samantala, isasara rin ang Katigbak Parkway, South Rd, at Independence Rd mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-10:00 ng gabi para bigyang-daan ang isang civic military parade.

Ang mga apektadong trak na papunta sa North Harbor ay pinapayuhan na mag-reroute mula SLEX diretso sa Osmeña Highway pagkatapos ay kumanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St., papunta sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St. kumanan o kumaliwa sa R-10 na daan patungo sa destinasyon.

Bukod dito, ang mga trak na magmumula sa Pa­rañaque Area ay kakanan sa Quirino Avenue hanggang Nagtahan pagkatapos sa Lacson Avenue.

Ang mga trak na papunta sa timog ay maaaring gumamit ng parehong ruta.

Samantala, magtatalaga ang MMDA ng mga traffic enforcer para tumulong sa pamamahala ng trapiko; at mag-deploy ng mga tow truck, ambulansya, at vacuum truck. Ang mga konkreto at plastik na harang pati na ang mga traffic cone ay ilalagay sa mga pangunahing lugar.

vuukle comment

INDEPENDENCE DAY

ROXAS BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with