^

Metro

Vendor itinumba sa Ermita

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vendor itinumba sa Ermita
Nakilala ang nasawi na si William Lloyd Fernandez, binata, ng Ri­verside 2, Brgy. 159-A, Ermita.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 36-taong gulang na vendor makaraang malapitang barilin ng nag-iisang  salarin lulan ng isang motorsiklo sa isang kalsada sa may Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si William Lloyd Fernandez, binata, ng Ri­verside 2, Brgy. 159-A, Ermita.

Sa ulat ng Manila Police District, dakong alas-4:10 ng madaling araw nang makarinig ng mga putok ng baril sa  Arroceros St., sa Riverside 2, Ermita.

Ayon sa saksi na nang kanyang tignan ang pinagmulan ng putok, nakita niya ang isang lalaki na may suot na naka-full face mask na tumakas sakay ng isang   motorsiklo habang duguan na nakahandusay ang biktima.

Blangko ang mga awtoridad sa tunay na motibo sa pamamaslang, ngunit may usap-usapan na naging testigo umano sa isa pang pamamas­lang ang biktima na naganap noong nakalipas na linggo.

vuukle comment

ERMITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with