^

Metro

Bangkay ng babae, natagpuan sa tabing-ilog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae ang natagpuang patay sa tabing-ilog sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng biktima gayundin ang dahilan nang pagkamatay nito.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1 (PS-1), lumilitaw na mag-a-alas-3:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabing-ilog sa Lorraine St., Parkway Village sa Brgy. Apolonio Samson.

Nangangalakal umano ng basura si Samuel Balatong sa may ilog nang mapuna ang bangkay sa pampang.

Una umanong inakala pa ni Balatong na manikin lamang sa mall ang nakita ngunit laking gulat niya nang mapagtantong tao pala ito kaya’t kaagad nang inireport sa barangay sa naturang lugar.

“Nagulat po ako may nakita akong nakagano­ong siko. Akala ko po ‘yung lagayan ng damit sa mall. Pagtingin ko, tao kasi may bracelet na silver eh,” aniya. “Parang tumaob na nakatagilid. Umakyat po ako, tumakbo agad papuntang barangay.”

Ayon naman sa mga barangay officials sa lugar, hindi residente sa lugar ang babae dahil walang nakakakilala dito.

Posible rin anilang inanod lamang ang bangkay nito mula sa ibang lugar. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with