^

Metro

2 holdaper ng taxi, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakorner  ng mga pulis ang dalawang lalaki na nangholdap sa isang tsuper nang pasukin ng huli  ang isang ‘one way’ na kalsada sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga naaresto na si Glen Mark Evasco, 33, at Ryan Medina, 30, kapwa nakatira sa Kawal Purok 1 Brgy. 28, Caloocan City.

Ligtas naman sa kapaha­makan ang kanilang biniktima na si Jessie Mejulio, 56, naka­tira sa Tomas Claudio St., Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Sa ulat ng Manila Police District, pasado ala-1 ng madaling araw nang pumasok sa isang ‘one way’  na parte ng Solis Street ang  puting taxi na minamaneho ni Mejulio. Nakuha nito ang atensyon ng mga pulis na nasa lugar kaya pinara ang taxi.

Humahangos na bumaba ng sasakyan si Mejulio at isinumbong na hinoholdap siya.  Dito na pinaligiran at tinutukan ng baril ng mga pulis ang taxi hanggang sa maaresto ang dalawang suspek.

Narekober sa kanila ang isang Mini Uzi na may anim na bala at isang replica ng cal. 45 na baril.  Nabawi rin sa kanila ang P510 na pera, dalawang piraso ng umano’y pekeng P1,000 bills at isang bag.

Ayon kay Mejulio, pinara siya ng mga suspek sa may Monumento, Caloocan at nagpahatid sa may Pasay.  Nang sumapit sa kanto ng Solis Street at Jose Abad Santos Avenue, dito na nagdeklara ng holdap ang dalawa. Hindi nawalan ng loob ang tsuper at ipinasok niya sa ‘‘one way’ street  ang taxi para makakuha ng atensyon sa mga awtoridad.

vuukle comment

MONUMENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with