^

Metro

Kelot, itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot, itinumba ng tandem
Nakilala ang nasawi na si Markey Mahad Alih, 36, stay-in caretaker sa Plaza Tower sa may Guerrero Street, Ermita.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Itinumba ng riding-in-tandem ang isang lalaki sa gitna ng isang mataong kalsada sa Ermita, Maynila noong  Lunes ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Markey Mahad Alih, 36, stay-in caretaker sa Plaza Tower sa may Guerrero Street, Ermita.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:40 nitong Lunes ng hapon nang pagbabarilin si Alih sa may Guerrero Street malapit sa kanto ng Arquiza Street sa Ermita.

Bumibili ng bottled water ang biktima sa isang water station nang dumating ang isang NMax type na motorsiklo.  Bumaba ang angkas nito at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo.

Agad na tumakas ang dalawang salarin makaraan ang pamamaril sa hindi mabatid na direksyon.  Inilarawan sila na parehong nakasuot ng itim na jacket, at helmet kaya hindi na sila namukhaan ng mga saksi.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa pamamaslang at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment

ALIH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with