^

Metro

2 patay sa Makati ambush!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae at isang lalaki ang dead on the spot nang pagbabarilin habang sakay ng isang kulay puting van sa Makati City, kahapon ng hapon.

Hindi pa tiyak kung mag-asawa o magkamag-anak lang ang mga biktimang sina Bonifacio De Vera at Remegia De Vera, na kapwa sakay ng isang Toyota Hi-Ace van na may plakang ADA-1463.

Naganap ang insi­dente pasado ala-1:00 ng hapon sa Jupiter St., Makati City.

Inaalam din kung may koneksiyon sa National Bureau of Investigation ang lalaki dahil may nakasulat na “NBI” sa itim na jacket na suot nito habang nakasubsob sa driver seat at ang babae naman na tsinita ay nakasubsob din sa likod ng driver’s seat.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente kaya’t wala pang opisyal na ulat sa pagkakilanlan ng mga biktima at sa motibo ng pamamaslang.

Sa nakalap na impormasyon, isang kulay puti na kotse ang huminto umano sa unahan ng sasakyan ng mga biktima at nakitang kausap ng suspek ang babae, na pinaniniwalaang magkakilala nang biglang pagbabarilin ang mga biktima saka humarurot papatakas ang sasakyan ng suspek at di pa tukoy kung ilan ang sakay nito.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang nakuhang CCTV footages.

Isang kalibre .45 baril ang nakuha sa sling bag ng lalaking biktima.

vuukle comment

ADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with