^

Metro

Tsinoy, kasabwat timbog sa ecstasy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Tsinoy at kasabwat niyang ‘tulak’ ng iligal na droga ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagbebenta ng party drug na ecstasy sa isang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nadakip na sina Christian Huang, alyas JC, 23, ng Riverview Mansion sa Binondo; at si Jeffrey Manigbas, 29, nakatira naman sa No. 63C Gumamela Street, Roxas District, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magkasa ang Jose Abad Santos Police Station 7-Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation sa may kanto ng Rizal Avenue at Matangtubig Street sa Tondo.

Nagawang makabili ng poseur buyer ng pulisya ng isang pirasong ecstasy tablet sa halagang P500.  Dito na sumulpot ang mga pulis at dinakma ang dalawang suspek.  Nakumpiska sa kanila ng mga pulis ang 10 pang tabletas ng ecstasy.

Nakaditine ngayon ang dalawang suspek sa MPD Station 7 Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

TSINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with