^

Metro

Kelot na nadawit sa ilegal na droga, itinumba sa kanyang bahay

Pilipino Star Ngayon
Kelot na nadawit sa ilegal na droga, itinumba sa kanyang bahay
Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng misis ng nasawi na nakilalang si Tessie, na natutulog na sila dakong alas- 11 ng gabi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa residential Road sa Batasan Hills nang biglang pumasok ang tatlong armadong lalaki.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa kanyang bahay sa Batasan Hills sa Quezon City, ka­makalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Luis Valero.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng misis ng nasawi na nakilalang si Tessie, na natutulog na sila dakong alas- 11 ng gabi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa residential Road sa Batasan Hills nang biglang pumasok ang tatlong armadong lalaki.

Nagawa pa umano na gi­singin ng mga ito ang kanyang mister at saka kinaladkad pababa ng bahay. Kasunod na nito ang pag-alingawngaw ng sunud-sunod na putok ng baril.

Pagbaba umano niya ng bahay ay nakita na niya ang duguang mister at wala nang buhay habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Binanggit pa nito na wala siyang alam na kaaway ang mister.

Lumalabas pa sa report na dati na umanong ­na­sa­ngkot sa ilegal na droga ang nasawi na ayon naman sa kanyang kaanak ay walang katotohanan at planted lang ang nakuhang droga ditonoon.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen at pagtukoy sa mga salarin.

vuukle comment

KELOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with