^

Metro

1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.

Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.

Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo na sumuko.

Matatandaang una nang nadakip ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis na kapwa persons of inte­rest sa karumal-dumal na krimen.

Ang magkakapatid ay pawang mga suspek sa pamamas­lang kina Glydel Beloni, 23 at Mona Ismael Habibolla, 22, kapwa nursing graduate at estudyanteng si Arjay Belencio , 22.

Natagpuan ang tatlo na tadtad ng mga saksak sa katawan at naliligo sa ariling dugo sa loob ng kanilang ipinagagawang bahay sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City.

Nawawala ang mga ATM at mahahalagang gamit ng mga biktima. Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder.

vuukle comment

MASAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with