^

Metro

Kelot itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kelot itinumba ng tandem
Inilarawan lamang ng Parañaque City Police Station ang biktima sa edad na 30-35, nakasuot ng itim na jacket at may taas na 5’5.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang na­katayo sa harapan ng isang tindahan, sa Brgy. Baclaran, Para­ñaque City, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan lamang ng Parañaque City Police Station ang biktima sa edad na 30-35, nakasuot ng itim na jacket at may taas na 5’5.

Mabilis din namang tumakas ang mga suspect na kapwa nakasuot ng itim na jacket, naka-full mask helmet ang driver ng motorsiklong walang pala habang ang backride/gunman ay nakasuot ng baseball cap.

Sa inisyal na ulat, biglang sumulpot ang mga suspect sa tapat ng biktima na nakatayo sa labas ng isang tindahan at walang sabi-sabing pinaputukan ng maraming ulit ng backride.

Nagawa pang maka­tak­bo paiwas ng biktima papasok sa drug store subalit bumagsak na rin ito dahil sa dami ng tinamong tama.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

 

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with