^

Metro

Indian national, todas sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang Indian national makaraang malapitang barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa ­Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si  Harpreet Singh Maan, 32, residente ng  Block 3 Lot 3, Hillside St., Metro Homes, San Juan City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na dakong alas- 4:20 ng umaga nang maganap ang pagbaril at pagpatay sa biktima sa panulukan ng Benitez at Banahaw Sts., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City

Sinabi ng isang testigo na tinutulungan niya ang biktima sa pagpapalit ng flat tire ng silver Toyota Revo  nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang  suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima.

Dahil sa takot ay nagtatakbo siya at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng  Brgy San Martin the Porres, subalit patay na ang biktima nang dumating ang mga ito.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang dalawang salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with