^

Metro

MRT-3, haanda nang magbukas sa GCQ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, haanda nang magbukas sa GCQ
Layunin aniya nitong matiyak na maipapatupad ang physical distancing o 1-meter gap sa pagitan ng mga pasahero at maiwasan ang paghahawahan ng virus.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na handa na silang magbukas sa ilalim ng bagong coronavirus protocols sakaling mailagay nang tuluyan ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa susunod na linggo.

“Kung kami po ay bibigyan ng order at nag-GCQ na tayo by June 1, ready naman po ang MRT-3 mag-mobilize,” ayon kay MRT director for operations Michael Capati.

Gayunman, nabatid na magiging malaki ang pagbabago ng operasyon ng MRT-3 kumpara sa dating nakaugalian ng mga pasahero bago maganap ang krisis sa COVID-19.

Ayon kay Capati, kung dati ay nasa 1,200 pasahero ang kayang ibiyahe ng bawat tren, ngayon ay 153 katao na lang ang sakay nito kada biyahe.

Layunin aniya nitong matiyak na maipapatupad ang physical distancing o 1-meter gap sa pagitan ng mga pasahero at maiwasan ang paghahawahan ng virus.

Lilimitahan na rin lamang ang mga pasaherong papapasukin sa train platforms.

Lahat ng pasahero ay kinakailangan ding magsuot ng face masks at hindi pasasakayin kung mataas ang temperatura ng mga ito.

Hindi rin muna umano papayagan ng MRT-3 na sumakay ng mga tren ang mga taong pinaka-vulnerable sa sakit, gaya ng mga batang nasa 21 taong gulang pababa, o 60 taong gulang pataas.

Kaugnay nito, siniguro rin ni Capati na bawat tren nila ay idi-disinfect ng dalawang ulit kada biyahe, o pagsapit ng mga ito sa North Avenue at Taft stations, para matiyak na ligtas mula sa virus.

vuukle comment

GCQ

MRT-3 LINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with