^

Metro

Bill ng Maynilad maaari nang makita online

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bill ng Maynilad maaari nang makita online
Ito ay makaraang ilunsad ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “My Water Bill Program” at “Bill on Demand SMS Bill Facility” upang makita ng mga kostumer nito ang kanilang bayarin sa tubig ngayong umiiral ang enhanced quarantine sa National Capital Region.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maaari na ring makita ang water bill ng mga kostumer  ng Maynilad Water sa west zone area ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Ito ay makaraang ilunsad ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad)  ang “My Water Bill Program” at “Bill on Demand SMS Bill Facility” upang makita ng mga kostumer nito ang kanilang bayarin sa tubig ngayong umiiral ang enhanced quarantine sa National Capital Region.

Sa ilalim ng “My Water Bill” Program  ng Maynilad,  makukuha ng mga kosumer  ang kanilang regular bil­ling updates at notifications makaraan ang one-time registration via My Water Bill Portal-sa pamamagitan ng pagrerehistro sa  https://mywaterbill.mayniladwater.com.ph/personaWeb/maynilad_b2c/,

Ang mga kostumer ay makakakuha ng secure online access gamit ang kanilang statement of Account (SOA) anumang oras at saang lugar.

Oras na makarehistro rito, ang customers  ay makakatanggap ng kanilang monthly water bill notifications via SMS o email.

Ang Portal ay may ­option sa mga customers na ma-download at maiprint ang kanilang SOA. Maaari ring makita rito ang mga accre­dited online payment channels na maaaring maging lugar ng pagbabayaran ng kanilang water bills.

Ang mga customers na walang  access sa internet ay makakatanggap naman ng kanilang monthly bill notifications via SMS kung mag rerehistro sa “My Water Bill”.  Maaari silang mag text sa MayniladONCANAccount Name sa  09191626000 para rito.

Maaari ring magpa rehistro ang customers sa  “My Water Bill” sa pamamagitan sa pagtawag sa Maynilad Hotline 1626, o magpadala ng private message  sa Maynilad’s Facebook page o sa  Twitter account. Kailangan lamang nilang ibigay ang kanilang  email address o  mobile number upang maasikao ito ng Maynilad’s customer service representatives.

vuukle comment

MAYNILAD

SOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with