^

Metro

Walang kaso ng COVID-19 sa Navotas, ayon kay Tiangco

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Walang kaso ng COVID-19  sa Navotas, ayon kay Tiangco
Ayon kay Tiangco, ang kanyang apela sa Department of Education ay preventive measure lamang upang makaiwas sa nakahahawang sakit.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Navotas City Mayor Toby Tiangco  na walang kaso ng novel coronavirus 2019 (Covid-19) sa lunsod matapos ang kanyang pahayag na walang pasok ngayon sa lahat ng antas mula pre-school hanggang kolehiyo, pribado at publiko.

Ayon kay Tiangco, ang kanyang apela sa Department of Education ay preventive measure lamang upang makaiwas sa nakahahawang sakit.

Aniya, kailangan na ma­ging proactive­ para maiwasan sa pagla­ga­nap­ ng sakit. Dapat lamang umanong ugaliin ang wastong paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, at pag-iwas sa ma­ta­taong lugar. 

“Mag-ingat po tayo at sundin parati ang good hygiene at healthy lifestyle.” ani Tiangco.

Una nang umapela si Tiangco sa Department of Education na automatic nang ipasa ang lahat ng mga mag-aaral ngayong school year.

Habang naghihintay  ng desisyon ng DepEd at pinag-aaralan ang sit­wasyon, inanunsiyo ni Tiangco na wala munang pasok ngayon sa lahat ng antas mula pre-school hanggang kolehiyo, public at private.

Biyernes nang maglabas ng update  ang DOH na may dalawang nadagdag sa bilang ng mga kum­pirmadong kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Sa ngayon, lima na ang kumpirmadong apektado ng COVID-19 at dalawa rito ay Pilipino.

TOBY TIANCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with