^

Metro

Pulis-Pasay itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Pasay itinumba ng tandem
Nakilala ang nasawi na si Cpl Alvin Villareal, 32-anyos, nakatalaga sa Kalayaan Police Community Precinct ng Pasay City Police.
STAR/FIle

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis-Pasay makaraang tambangan ng riding-in-tandem habang pauwi na ang biktima galing sa kanyang duty, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Cpl Alvin Villareal, 32-anyos, nakatalaga sa Kalayaan Police Community Precinct ng Pasay City Police.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaslang dakong alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng West Service Road patungong Nichols sa Brgy. 201 Zone 20, ng naturang lungsod.

Katatapos lang sa magdamag na duty sa presinto ni Villareal at pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin siya ng mga salarin. Hindi na nagawang makabunot ng kanyang baril ang biktima nang maunahan siyang paputukan ng isa sa mga suspek  na mabilis tumakas lulan ng kanilang motorsiklo.

Narinig ng mga miyembro ng Philippine Air Force sa natu­rang lugar ang mga putok ng baril kaya nirespondehan nila ito.  Naabutan na lamang nila ang biktima na duguan sa kalsada na mabilis nilang isinugod sa Pasay City General Hospital lulan ng ambulansiya ngunit hindi na umabot pang buhay. 

Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon ng Pasay City Police sa pagpatay sa kanilang kabaro. Kabilang sa inaalam kung may natatanggap na death threats si Villareal.

 

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with