^

Metro

Indian national arestado sa baril at bala sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (PNP-ASG) ang isang pasaherong Indian natio­na­l matapos itong mahulihan na may itinagong baril at bala sa kanyang bagahe  nang idaan sa x-ray scanning machine ilang sandali bago ito umalis sa Ninoy Aquino International  Airport Terminal 1 papuntang Thailand, kahapon.

Nakilala ang dinakip na si Baljinder Singh Ranu, 44, may-asawang Pinay, na nakabase sa Balanga, Bataan.

Ayon sa pagsisiyasat ng PNP-ASG, dapat aalis ng bansa ang suspek patungong Thailand sakay ng Thai Airlines flight TG 621, nang makita ang isang kalibre .45 at mga bala nito nang idaan sa x-ray scanning machine.

Nang pabuksan ng mga pulisya ang kanyang bagahe ay tumambad ang baril at bala sa mga awtoridad. Hindi pa mabatid ng mga humuli kay Ranu kung may lisensiya ang baril nito.

Samantala, itinanggi ni Ranu na kanya ang baril pero sasampahan din siya ng mga awtoridad sa airport ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutors Office.

vuukle comment

INDIAN NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with