^

Metro

Onsehan sa cara y cruz: Mister binoga sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Tumimbuwang ang isang 40-anyos na mister habang malubhang nasugatan naman ang kasamahan nito matapos barilin sila sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek na kanilang sinisingil ng panalo sa sugal na cara y cruz sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay nakilalang si Roel Intuna, may asawa at residente ng No. 005 Molave Ext., Brgy. Payatas, Quezon City.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa East Avenue Medical Center ang kasamahan niyang si Jason Baco-lando, 31, electrician, ng No. 05 Rosal St., Brgy. Payatas, dahil sa tama rin ng bala ng baril sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Morshid D. Tanog ng CIDU-QCPD, ang krimen ay naganap dakong alas-3:15 ng madaling araw  sa No. 10 Rosal St., corner IBP Rd., Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng mga nakasaksi sa insidente, nagsusugal umano ng cara y cruz ang mga biktima nang dumating ang suspek at tumaya.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay natalo umano ang suspek kaya siningil ito ng mga biktima pero bumunot ito ng baril at tig-iisang binaril sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang mga otoridad para madakip ang salarin.

vuukle comment

BINOGA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with