^

Metro

Bebot na dayo, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang babae na dumayo sa isang barangay sa Taguig City makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Emilyn Prudente, 34, ng Brgy. East Rembo, Makati City.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-10:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa Ulingan St., C6, Purok 3 Road, Brgy. New Lower Bicutan, ng nabanggit na lungsod.

Nakatayo umano ang biktima sa harap ng isang bahay na tila may hinihintay nang dumating ang dalawang lalaki at basta na lamang pinagbabaril ang babae saka kaswal na umalis sa lugar.

Hindi na nagawang maisugod sa pagamutan ang biktima nang agad na masawi dahil sa tinamong mga tama ng bala.  

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang dahil sa walang nais magsalita sa mga residente sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

vuukle comment

ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with